Thursday, April 21, 2016

Araw ng Aklat at Diskwento sa mga Libro: April 23 2016

Inaanyayahan ang publiko na dumalo at magdiwang ng Araw ng Aklat sa ika 23 ng Abril 2016, 9nu-10ng, sa Ayala Triangle, Lungsod Makati, sa pagtataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino, kasama ang Instituto Cervantes, National Book Development Board, at Intellectual Property Office of the Philippines.

Tampok sa Araw ng Aklat ang libreng pagtatanghal ng Teatro Tomasino ng dula ni Rizal na “Consejo de los dioses”; pagtatanghal ng UP Singing Ambassadors; balagtasan ng mga makatang Mike, Teo, at Vim; at pamimigay ng sampagita sa publiko upang ipahayag ang pag-ibig sa aklat at karunungan.

Ilulunsad sa naturang araw ang bilingguwal na aklat na Jose P. Rizal: Konseho ng mga Diyoses; Sa May Pasig na isinalin sa Filipino nina National Artist Rio Alma at makatang Michael M. Coroza; at ang Haring Lear ni Shakespeare na isinalin sa Filipino ng makata at mandudulang Nicolas Pichay.

May 20% deskuwento ang mga libro sa ilalim ng programang Aklat ng Bayan ng KWF. Tampok sa mga aklat ang salin sa Filipino ng mga klasikong akda nina Maupassant, Chekov, Tagore, Dickens, at marami pang iba.

Iba pang libreng materyales gaya ng brochure ng Buwan ng Panitikan, mapang pangwika na Atlas Filipinas, bookmarks, posters, at mga babasahing pangwika ng KWF ang ipamimigay sa mga kalahok.


No comments:

Post a Comment